Tuesday, October 16, 2012

Ewan ko. Hindi ko alam.

 
"Nagmahal nanaman ako. Sumubok. Di ko tuloy alam kung tama tong pinasok ko. Walang kasiguraduhan."
 
Sa totoo lang, natatakot ako. *sad* Di naman sa wala akong tiwala sakanya, ayoko lang maulit lahat ng sakit at pait na naranasan ko dati. Yung iwanan o ipagpalit ka ng taong pinakamamahal mo. Lalo na kung tipong, mawawala na lang siya na parang bula.
 
Kakabahan na lang ba ako lagi? Yan ang hirap pag magkalayo kayo. Hindi ka sigurado kung hanggang kailan kayo ayos, o hanggang kailan kayo magkikita, o kung magkikita pa kayo. Minsan kasi, dumadating talaga sa puntong humihina ang relasyon, yung tipong, sa hindi sinasadyang pagkakataon, may mga nagagawa kayong makakaapekto sa inyong dalawa. Yung mga bagay na akala mo sa inyong dalawa ok lang, pero sa isa pala, hindi. At higit sa lahat, sa hindi inaasahang pagkakataon, yung mga bagay na simple lang, madalas, yun ang may mga mabibigat na epekto sa relasyon. Simpleng hindi pagtetext, kulang sa lambing, at hindi pag - uusap, iilan lang yan sa mga bagay na nakakasira ng tiwala. Nakakalungkot mang isipin, sobrang nakakainis na nakakabwisit at nakakaloka.
 
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang mga ganitong bagay. Bumababa kasi ang kumpyansa ko sa sarili ko. Ngayon pa na nalelegal na kame sa halos lahat ng taong malapit sakin. Simula sa mga close friends, sa kapatid ko, at nung nakaraan, sa mga bestfriends ko.  Puro sa parte ng buhay ko. Ayokong mag isip na hindi nya ko kayang isali sa sirkulo ng buhay niya. Paano naman ako pag nangyari ang pinaka-kinatatakutan ko? Pano kung maghiwalay kame? Pano kung iniwan niya ko? Para ko na ring hinila ang sarili ko sa kahihiyan.
 
Heto pa, ewan ko, lagi ko na lang dinadown ang sarili ko. Yung feeling na hindi pa rin nagsisink in sa akin na mahal niya ko. Parang para sakin kasi, hindi ako yung tipong nagugustuhan ng tulad niya. Parang ang dali niya ko mapapalitan. Hay. Lord. T_T
 
Sabi nung matandang kawork ko, pag hindi ka mapalagay, hindi mabuti un. Kasi pag sya na tlga, panatag ka. Nung una naman ganun kame. Pero lagi na lang ba, pagkatapos naming magkita, ilang araw hindi niya ko itetext or tatawagan? O kahit ako na yung tatawag sa kanya, hindi nya sinasagot. Hindi ko alam kung sinasadya nya, para ako na mismo yung sumuko.
 
Nalulungkot talaga ako. Naiiyak. Pero sabi niya, SABI LANG NIYA, ano pa daw ba yung gusto kong ipatunayan niya? Hindi sapat yung sinabi lang niya. Paano naman ako? Wag daw akong mag - isip ng negative things, pero ganun yung ginagawa niya.
 
Minsan gusto ko ng makipaghiwalay. Nahihirapan ako sa sitwasyon. Hay. :( Di ko alam kung kampante siya o nagtitiyaga lang talaga siya. O para lang hindi siya masabihang masama. Hihintayin na lang niyang hiwalayan ko siya? Yung tipong hindi siya ung makikipagbreak para sa guilt free pass? hay. Hindi ko na alam yung iisipin ko. :(
 
Ang tagal kong hinintay para humupa yung sakit na naramdaman ko sa nakaraan, bago nanaman ba to? :(
 
Lord, T____T
Kayo na po bahala. Wag naman pong ganun. please. :((

No comments:

Post a Comment